Nawawalang Paraiso

 Nawawalang Paraiso

          Marble Blue, isang planetang iniwan ng mga tao makalipas ng ilang taon dahil sa teknolohiya na binuo ng mga scientist na tinatawag na space craft. Nandon lahat ng nga tao na nabubuhay dati sa marble blue. Ang marble blue ay isang planetang puno ng milagrosong pangyayari mula iniwan ito ng mga tao. May isang diyos  nakatira at nag babantay sa marble blue na kung tawagin ay incarnatus at ang pangalan nito ay si Mariv. Si Mariv ay isang diyosa na nasa halamanan tila isang tao lamang, ngunit sa likod nito si Mariv ay isa ding halimaw kaya sya ay isa ding incarnatus. Sa planetang ito napakaraming incarnatus na nabubuhay at nakatira dito ngunit si Mariv lang ang tanging pinakamabait sa kanilang lahat. Ang incarnatus ay isang halimaw na pumapatay ng kung ano ano sa loob ng marble blue, isa din ang incarnatus na species ayon sa mga scientist na kayang gunawin ang buong universe sa pamamagitan lamang ng pag labas niya ng marble blue. Ayon sa mga paniniwala ng mga tao, si Mariv ang nangangalaga sa buong marble blue, ngunit marami pang mga diyos at mga halimaw na nakatira at nabubuhay sa marble blue na di kilala at tanging nakakaalam lamang nito ay ang mga scientist, mga ilang lumang explorer na nakatuklas kay Mariv. Sa space craft, sa labas ng planeta kung saan nakatira na ang mga tao sa panahon ngayon, karamihan sa mga tao dito ay mga explorers. May isang pamilya na ang padre de pamilya nila ay isang magiting, magaling na explorer sa lahat ng antas. Hinihilalang may paniniwala siya sa loob ng marble blue may isang munting paraiso. Ang paraisong ito ay napakapayapa, ang buhay na walang hanggan, tila isang napakapangyarihan na lugar. Ang explorer na yon ay gustong gusto matuklas ang paraiso. Ayon sa mga scientist ang paraisong ito ay hindi totoo at kathang isip lamang ngunit ng mapaginipan niya ang isang babae na, diyosa, at si Mariv ito, nakausap niya ito at sinabihan na, hanapin mo ang paraiso sa loob ng marble blue at ito’y totoo, ikaw napili ko para tuklasin ang paraiso dahil ikaw lang tanging may kakayahan na maniwala saken sapagkat halos ikaw na lumibot ng buong marble blue kaya ikaw na pili ko bilang tuklasin sang nawawalang paraiso sa marble blue, at ang paraisong ito ang tanging magsasalba sa buhay natin lahat, masasalba mo ang marble blue, sabi ni Mariv. Tinanong ng explorer kung bakit ngunit naputol ang panaginip niya. Matapos niyang mapaginipan ito agad niyang plinano at pumunta siya sa marble blue, upang tuklasin ang nawawalang paraiso. Ang explorer nato ay nasa kasaysayan sa space craft, ayon sa kasaysayan hinanap niya ang paraiso, marami man siya natuklas sa marble blue, ngunit tanging sa paghahanap lamang ng marble blue ay dun siya nawala at binawian ng buhay. Mula noon maraming explorers na natakot tuklasin ang marble blue at hanapin ang paraiso kung tunay ba’to o hinde.


          Makalipas ang ilang taon, may anak ang makasaysayang explorer na ito, pangalan niya ay si “Joaquin”. Maliit palamang ito mula mawala at namatay ang kanyang ama. Ngunit tila ang dugo nila ay isang magiting na explorer, nangarap si Joaquin maging isa ding explorer at tuklasin niya ang paraiso. Nung gabing iyon napaginipan niya si Mariv at nakausap niya ito tungkol sa paraiso, iisa lang ang sinabi ni Mariv tulad sa kanyang ama, tuklasin mo ang nawawalang paraiso. Nang magising si Joaquin lalo siyang nangarap dahil sa paraiso. Makalipas ang ilang buwan, lisensyado na si Joaquin bilang isang explorer. May nakilala din siyang mga kasabayan nyang explorer, si Leary, si Elroux, anak ni Mariv, at si Daisuke. Makalipas ang ilang taon, tila nasa dugo man nila ang pagiging explorer, marami din si Joaquin na tuklas na mga lugar sa marble blue at isa na dito ang lungson na tinatawag na “The Forgotten Village”. Marami narin si Joaquin napatay na mga halimaw at isa na dito ang mga incarnatus sa Marble Blue. Ngunit sa gitna ng kanyang paglalakbay, may nakasalubong sila isang Devil Incarnatus, isa sa mga pinakamapinsalang halimaw sa marble blue. Sa pagtutulungan nila Joaquin, Lerry, Elroux, Daisuke, hindi nila kayang patayin ang Devil Incarnatus, maya maya biglang may dumating na mas mataas pa sa kanilang ranggo sa explorers na si Al, tinulangan niya sila Joaquin upang mapatay ang Devil Incarnatus. Ngunit sa gitna ng paglalaban nila hindi parin nila kaya mapatay ang Devil Incarnatus. Naramdaman ni Mariv ang lakas ng Devil Incarnatus napaglaban kila Joaquin kaya sumanib si Mariv kay Joaquin at nagsama sama silang lima nina Lerry, Elroux, Daisuke at Al upang maging isang True Incarnatus. Ang True Incarnatus ay isa sa pinakamakapangyarihan na incarnatus sa marble blue at tanging makakagawa lamang nito at makakapagpalabas nito ay si Mariv. Kaya mula nang magsanib pwersa sila bilang isang True Incarnatus, nakayanan nila makalaban ang Devil Incarnatus at mapatay nila ito. Nang mapatay nila ito bumalik na sa dating anyo ang apat at wala silang kaalam alam kung sino may gawa nito pero napagkukutuban nila si Joaquin ang may gawa neto ay nasabihan pang may kapangyarihan si Joaquin. Matapos nila itong mapatay bumalik kaagad sila sa Space Craft upang mag report at pasok sa kasaysayan ang pagpatay nila sa Devil Incarnatus at naging True Incarnatus si Joaquin kasama ang tatlo. Walang alam ang mga scientist tungkol sa Devil Incarnatus at sa pagiging True Incarnatus ni Joaquin bagama’t nasa kasaysayan na ang pangyayari eto.


          Makatapos ang pangyayareng ito si Joaquin ay napapunta sa halamanan ni Mariv at dun niya nakita si Mariv sa personal upang sabihin ang tungkol sa paraiso at kung saan eto. Matatagpuan ang paraiso ay sa “Edge of the Paradise” malapit sa Magma Ocean kung saan natagpuan nila ang Devil Incarnatus. Agad nilang pinuntahan ito kasama sina Leary, Elroux, Daisuke at si Al. Bago sila makapasok sa lugar na yon, nakasalubong nila ang nagbabantay dito dahil sa inaalagaan at iniingatan na itlog ng Child Incarnatus, pangalan ng nagbabantay ay si Johhannes, sa likod nito, si Johhannes ang ama ni Elroux bagamat di nila alam ito. Ang Child Incarnatus ay isa sa mga iniingatan na itlog sa marble blue dahil pag napisa ito, kayang kaya gunawin ang buong sanlibutan at tawagin ang lahat ng nilalang hindi lamang ang incarnatus, kasama ang ibat ibang klase ng nilalang sa marble blue. Nang nakaharap na nila si Johhannes, ayaw papasukin ni Johhannes silang lahat dahil sa itlog, ngunit ang itlog nato ay malapit nang mapisa kaya ayaw niya papasukin sila lalo nang kasama nila ang anak niyang si Elroux, ngunit ayaw pumayag nilang lahat kaya napilitan si Johhannes labanan sila Joaquin para tumigil sila. Sa gitna ng paglalaban, sinabi ni Johhannes kay Elroux na siya ang kanyang ama nagusto gusto niyang makilala, at sa puntong yon di makapaniwala si Elroux sa sinabi ni Johhannes. Habang sila nakikipaglaban nagpisa an ang itlog ng Child Incarnatus, at nang lumabas ito agad netong inatake si Johhaness at natumba si Johhannes. Nilapitan ni Elroux ang kanyang ama at kinausap niya ito, dahil mamamatay na si Johhanesss sinabi na niya ang oras na yon ay nakatakda na upang siya ay magsakripisyo upang depensahan ang Child Incarnatus ngunit hindi na niya nadepensahan at siya ay namatay na, si Joaquinn at ang kanyang mga kasama ang lalaban papatay sa Child Incarnatus. Si Joaquinn ay naging isang True Incarnatus na ulet kasama ang kanyang mga kasama upang patayin ang Child Incarnatus. Sa una napakahirap patayin nito dahil sa sobrang lakas nito. Pero dahil sa pag tutulungan nila, kinaya nilang mapatay ang Child Incarnatus. Bagama’t hindi lang Child Incarnatus ang makakalaban nila dahik, bago pa man mamatay ang Child Incarnatus, tinawag niya ang isa pang incarnatus na isa sa mga dambulasa at kilala sa buong sanlibutan at alam ng mga scientist na tungkol dito. Eto ay ang Entity, naglabas galing sa loob ng Marble Blue at gugunawin niya ang buong sanlibutan, balibalita na sa space craft na nakalabas na ang Entity at tanging plano lang nilang lahat ay manalangin at umasa kila Joaquinn upang patayin ang Entity. Sila Joaquin naman ay isa nang True Incarnatus, sumanib na din ang ama ni Elroux na si Johanness kay Joaquin upang tulungan at mapatay ang Entity, madami nang nasira ang Entity sa Marble Blue at hindi parin mapatay patay ng True Incarnatus ito, dahil nakikita na ni Mariv ang True Incarnatus nakikipaglaban sa Entity, si Mariv ay pumunta din sa Edge of The World upang tulungan ang True Incarnatus sa pamamagitan ng pagiging isang incarnatus ni Mariv na “Mariv Incarnatus”. Nang tinulungan niya ito, napansin na nilang konti konti na nila napapatumba ang Entity. Nang magsama na ang mga kapangyarihan nila para mapatay ang Entity, matagumpay nilang napatay ang Entity at naging ok na ang mga tao sa space craft at sa marble blue, bagama’t hindi pa tapos ang kanilang pagtutuklas para hanapin ang nawawalang paraiso. Matapos nilang mapatay ang Entity at Child Incarnatus, ang ilang itlog ng Child Incarnatus ay naging isang lagusan at yung lagusan na yon ay papunta sa paraiso. Nang mapuntahan niya ang paraiso, nakita niya ang “Tree of Blossom” isa sa mga senyales na ito na ang paraiso, naramdaman nila ang masarap na simoy ng hangin, nag hilom lahat ng sakit nila at nakita nila ang mga mahal nila sa buhay lalo na ang ama ni Joaquin dahil natuklas niya ang paraiso at sa paraisong ito ay puntahan ng mga mahal sa buhay at pwede muli mabuhay dahil natuklas na ang paraiso. Matagumpay nilang natuklas ang nawawalang paraiso at bumukas na ito at naging payapa na ang buong sanlibutan dahil sa paraiso.


Comments